Nagsagawa ang National Commission of Senior Citizens Regional Office I (NCSC RO1) ng dalawang araw na capacity-building training para sa mga senior citizen noong July 16 sa LGU Conference Hall Annex upang palakasin ang kanilang kaalaman sa disaster preparedness, kaligtasan, at kapakanan.
Pinangunahan ni NCSC RO1 Regional Director Atty. Glaiza Bernadeth P. Pinto-Tadeo ang unang araw ng pagsasanay na may temang “Ligtas at Alisto: Disaster Preparedness and Physical Safety Awareness Among Senior Citizens.”
Tinalakay niya ang mga usaping may kinalaman sa kapakanan ng mga nakatatanda, kabilang ang pagprotekta laban sa pang-aabuso, mga benepisyong nakapaloob sa Expanded Centenarians Act, panukalang Universal Social Pension, at iba pang programa para sa mga senior citizen.
Kasama rin sa pagsasanay ang mga paksa tungkol sa disaster awareness, pag-iwas sa pagkabuwal, at cyber security upang maprotektahan ang mga nakatatanda laban sa mga panloloko.
Ayon sa NCSC Region I, layunin ng programa na gawing mas ligtas, mas malusog, at mas handa ang mga senior citizen sa pagharap sa iba’t ibang hamon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣











