Thursday, October 22, 2026

Malacañang, nauunawaan ang saloobin ng mga mambabatas sa isyu kay Chinese ambassador Jing Quan; pero epekto nito sa mga Pilipino sa China, dapat ikonsidera

Nauunawaan ng Malacañang ang panawagan ng ilang mambabatas na ideklarang persona non grata si Chinese Ambassador Jing Quan, pero iginiit na kailangang isaalang-alang ang posibleng epekto nito sa mga Pilipino sa China.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, natural lamang na masaktan at magalit ang mga Pilipinong nagmamahal sa bansa dahil sa mga pahayag ni Quan.

Hindi rin umano pipigilan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Senado at Kamara sa paghahain ng mga resolusyon kaugnay nito.

Gayunman, sinabi ni Castro na kailangang timbangin ng pamahalaan ang mga posibleng epekto ng hakbang, kabilang ang kapakanan ng mga Pilipinong nasa China.

Tiniyak naman ng Palasyo na nananatiling matatag ang paninindigan ng Pangulo sa pagtatanggol sa teritoryo at karapatan ng Pilipinas.

Tungkol naman sa pagbabawal ng China sa mga opisyal na pumasok sa kanilang bansa, duda ang Palace official na gugustuhin ng mga ito na pumunta doon

Facebook Comments