Thursday, October 22, 2026

Isang real estate company at ilang abogado ni VP Duterte, panibagong iniimbestigahan ng NBI dahil sa unexplained wealth

Isang real estate company at mga kaugnay na indibidwal ng pamilya ni Vice President Sara Duterte ang isinasailalim ngayon sa pagsusuri ng National Bureau of Investigation (NBI) bunsod ng imbestigasyon sa umano’y hindi maipaliwanag nitong kayamanan.

Ayon kay NBI Director Melvin Matibag na kabilang sa mga bago nilang tinitingnan ang Westgate 88 Real Estate Development Corp., na natuklasang nagmamay-ari ng ilang mga ari-arian at lupain.

Sinusuri rin ng NBI ang posibleng kaugnayan nina Atty. Deo Sobrano mula sa Carpio Law Offices at Atty. Elijah Manuel Pepito na naglilingkod bilang pangulo ng naturang kumpanya.

Paliwanag ni Matibag, bago maglabas ng mga subpoena sa mga opisyal ng Westgate 88, tutukuyin muna ang eksaktong lokasyon ng mga nabanggit na ari-arian batay sa natanggap nilang ulat.

Bukod dito, nakikipag-ugnayan na rin ang NBI sa Bureau of Immigration upang alamin ang travel records ng mga sangkot na personalidad.

Maglalabas din ng karagdagang detalye kapag nakuha na ang mga opisyal na dokumento mula sa Securities and Exchange Commission (SEC).

Facebook Comments