PNP ISABELA, TAGUMPAY NA NAIPATUPAD ANG LIGTAS AT PAYAPANG HALALAN 2025

Cauayan City — Tagumpay na naisakatuparan ng PNP Isabela ang kanilang mandato na pangalagaan ang kaayusan, seguridad, at kapayapaan sa buong lalawigan ngayong Halalan 2025.

Sa kabila ng ilang minor incidents, nanatiling matiwasay ang takbo ng eleksyon ayon kay Police Colonel Lee Allen Bauding, Provincial Director ng PNP Isabela.

Mahigit 2,000 pulis ang ikinalat sa iba’t ibang polling precincts upang tiyakin ang seguridad ng mga botante, guro, at election personnel.

Binantayang mabuti ang mga lugar na kabilang sa election areas of concern, dahilan upang walang naitalang major election-related violent incidents sa buong probinsya.

Tanging isang paglabag lamang sa election law ang naitala sa Echague kung saan nahuling namimigay ng campaign paraphernalia ang isang indibidwal.

Katuwang ng PNP Isabela sa pagpapatupad ng seguridad ang COMELEC, AFP, LGUs, Philippine Coast Guard, BFP, at Maritime Group.

Tinutukan din ang mga baybaying bayan upang matiyak ang seguridad sa mga coastal polling centers.

Samantala, patuloy na naka-Full Alert Status ang PNP Isabela hanggang May 15 upang matiyak ang katahimikan sa post-election period.

Facebook Comments