
CAUAYAN CITY – Inihayag ng kapulisan ng Cauayan na generally peaceful ang naging halalan sa lungsod nitong ika-12 ng Mayo.
Sa naging panayam ng IFM News Team kay Police Lieutenant Colonel Ernesto Nebalasca Jr., Chief of Police ng PNP Cauayan, wala umano silang naitalang kaguluhan sa lungsod ngayong eleksyon.
Ayon pa sa hepe, isa umano sa maaaring rason sa mapayapang halalan ay ang organisasong deployment ng mga PNP Personnel.
Aniya, ika-7 palang ng Marso, nakatakdang araw ng Final Testing and Sealing sa lungsod ay nagdeploy na sila ng tig-dalawang pulis sa 54 polling places kung saan gaganapin ang botohan, hanggang sa araw ng trasmission ng results.
Bukod pa rito, 24/7 na binantayan ng mga deployed personnel ang Automated Counting Machines (ACMs) at ibang election paraphernalia upang masiguro na nasa maayos itong kalagayan.
Ibinahagi rin ni Police Lieutenant Colonel Nebalasca na wala rin umano silang nahuling lumabag sa liquor ban at nagpasalamat sa koopersayon ng mga establishments upang maisakatuparan ang ordinansa.
Patuloy naman at mas paiigtingin pa ng PNP Cauayan ang kanilang pagbabantay at kamapanya sa kapayapaan kahit tapos na ang eleksyon.