
Cauayan City – Nanatiling alkalde si Atty. Sheena Tan na nakakuha ng 68,743 na boto sa lungsod ng Santiago, batay sa inilabas na official result ng Commission on Elections.
Sinundan naman ito ng kanyang katunggali na si Otep Miranda na nakakuha ng 19,208 total votes habang si Arlene Alvarez-Reyes naman ay nakakuha ng 7,690 na total votes.
Nanguna naman sa pagka bise alkalde si Jamayne Tan na kapartido rin ni Mayor Sheena Tan na nakakuha ng 48,282 totak votes.
Hiniling ni Mayor Sheena Tan na patuloy siyang pagkatiwalaan ng mga Santiaguenos upang maipagpatuloy natin ang mga proyekto at programang nasimulan, at mas mapalawak pa ang Serbisyong Tapat, Serbisyong Kabsat.
Samantala, lubos naman ang pasasalamat ni City Mayor Sheena Tan sa mga sumuporta sa kanya mula noong nanangangampanya pa lamang siya.