Gagawing kapaki-pakinabang ang mga nabubulok o biodegradable na basura na nakokolekta mula sa mga kabahayan sa Dasol, dahil sa planong gamiting ito bilang organic fertilizer sa tulong ng bagong kagamitan mula sa Department of Agriculture.
Sa ilalim ng National Rice Program ng Bureau of Soils and Water Management, ipinamahagi kamakailan sa mga piling barangay at paaralan ang labing apat na unit ng Rotary Composter at Shredder.
Isinagawa rin ang demonstrasyon ng paggamit nito upang mapanatili ang kondisyon at tiyakin na may angkop na kaalaman ang mga operator para sa kabuuang gampanin ng equipment.
Positibo ang lokal na pamahalaan na makatutulong sa produksyon ng ani ng mga lokal na magsasaka, ang mga tinanggap na kagamitan para sa agrikultura.
Sa ilalim nito, isinusulong ang maagap na waste management habang sinusuportahan ang sektor ng agrikultura na isa sa pangunahing kabuhayan sa bayan.










