P2-M PONDO PARA SA EDUKASYON, INILAAN NG BAYAMBANG PARA SA 18,000 MAG-AARAL

Ipinakita ng lokal na pamahalaan ng Bayambang ang mas pinaigting na pamumuhunan sa edukasyon matapos maglaan ng mahigit P2 milyon para sa pamamahagi ng school supplies sa humigit-kumulang 18,000 mag-aaral sa pampublikong paaralan.

Ang programang pinondohan mula sa Childrens Welfare Fund na umabot sa P2,077,041.73 ay bahagi ng hakbang ng LGU upang matiyak na may sapat na suporta ang mga mag-aaral sa darating na Taong Panuruan 2026-2027.

Sa pangunguna ng Local School Board, pormal na tinanggap ng mga school head mula sa 49 pampublikong paaralan ang mga donasyon sa ginanap na turnover ceremony noong Lunes.
Ang naturang inisyatiba ay hindi lamang simpleng pamimigay ng gamit pang-eskwela kundi isang mahalagang pamumuhunan sa kinabukasan ng kabataan.

Facebook Comments