
Hindi pa rin nahahanap ang tatlong pasaherong unang napaulat na nawawala matapos tumaob ang isang motorbanca sa Mapanuepe Lake sa San Marcelino, Zambales.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), nagpapatuloy ang kanilang search and rescue operations at inihahanda na ang pagsisid sa lawa matapos suriin ang katubigan.
Nasa 13 na Aeta na miyembro ng Indigenous Peoples sa Sitio Lumibao ang mga pasahero ng motorbanca kung saan anim sa mga ito ang nasawi, apat ang nasagip at tatlo ang nawawala.
Nagtungo umano ang mga ito sa health center para kumuha ng gamot at pagkain at lumahok sa vaccination program kung saan pauwi na sila nang mangyari ang insidente.
Sa paunang imbestigasyon, binayo ng malakas na hangin at alon ang motorbanca bago ito tumaob.
Facebook Comments










