PNP, nakapagtala ng bagong bagong kaso ng COVID-19

Nadagdagan pa ang mga pulis na nagpositibo sa COVID-19 na ngayon ay umaabot na sa 3,751.

Batay sa ulat ng Philippine National Police (PNP) Public Information Office, may panibagong 82 na mga pulis ang infected ng COVID- 19 kahapon.

30 sa mga nagpositibo ay nakatalaga sa NCRPO, 14 sa PRO 3, 17 sa PRO 4A, walo sa PRO9, anim sa National Operation Support Unit (NOSU), apat sa PRO 6 at isa sa PRO 5.


Good news dahil sa bilang ng mga nagpositibo, 2,629 na ang gumaling habang inoobserbahan pa ang 651 na pulis na ikinokonsiderang mga probable case at 2,908 na pulis ang suspect case ng COVID-19.

Nanatili naman sa 16 na pulis ang naitatalang namatay dahil sa COVID-19.

Facebook Comments