Saturday, June 6, 2026

Atty. Dino de Leon ng Team Pinas, hinamon si Senator Alan Peter Cayetano na patunayang siya pa rin ang Senate President

Hinamon ni Public Interest Lawyer at Convenor ng Team Pinas Atty. Dino de Leon ngayong Sabado, June 6 si Senator Alan Peter Cayetano na humarap sa plenaryo sa Lunes kasama ang kaniyang mga supporter sa Senado.

Ito ay para maipakita umano sa publiko kung ilan ang supporter ni Cayetano at kung may laban ba ito sa grupo ni Senator Sherwin Gatchalian para kilalanin si Cayetano bilang senate president.

Ayon kay De Leon, sa ngayon ay 10 at posible pa umanong maging 9 ang supporter ni Cayetano, kaya ano umano ang laban nito sa grupo ni Gatchalian na 12 ang miyembro.

Dagdag pa nito, mahalaga umanong kilalanin ng co-equal branches of government, partikular ng Kamara at ng ehekutibo, ang tumatayong liderato ng Senado.

Sa kabilang banda, sinabi rin ni Congressman Terry Ridon na mismong ang Malacañang rin umano ay kinikilala si Gatchalian bilang senate president.

Facebook Comments