
Mariing iginiit ni House Prosecutor at Bicol Saro Partylist Rep. Terry Ridon na walang maleta na idineliver sa kanya sa kahit anumang panahon o sa kahit saan mang lugar.
Ayon kay Ridon, kasinungalingan ang inihayag ng ex-marines sa hindi awtorisadong Senate Blue Ribbon Committee hearing na tumanggap sya ng maletang naglalaman ng salapi.
Diin ni Ridon, tuloy ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Tiniyak ni Ridon na walang kasinungalingan o gawa-gawang testimonya ang makapipigil sa House prosecution panel na magtuloy sa paglalahad ng katotohanan sa paglilitis laban sa pangalawang pangulo.
Facebook Comments










