PNP, napigilan ang tangkang drug smuggling papasok ng bansa

Napigilan ng mga awtoridad ang drug smuggling attempt mula US patungong Pilipinas sa isang operasyon ng Philippine National Police Drug Enforcement Group (PNP-DEG) kahapon.

Ayon kay PDEG OIC Col. Rolando Cuya Jr., ikinasa ang interdiction operation sa UPS Freeport Zone, Clarkfield, Pampanga kung saan nakumpiska ang humigit kumulang 816 gramo ng Shabu at mayroong estimated standard drug price na P5,538,800.00.

Agad namang dinala ang kontrabando sa PDEA Laboratory Service para sa laboratory analysis/examination.

Samantala, patuloy na iniimbestigahan ng mga PNP-DEG ang pagkakasangkot ng mga personalidad sa likod ng drug shipment upang mapanagot ang mga ito sa ilegal na operasyon.

Facebook Comments