DALAWANG MOST WANTED DAHIL SA KASONG STATUTORY RAPE, ARESTADO SA ALAMINOS CITY AT BAUTISTA

Dalawang most wanted persons sa Pangasinan ang naaresto sa dahil sa kasong Statutory Rape sa magkahiwalay na operasyon noong Miyerkules, Abril 15, sa Alaminos City at Bautista.

Sa Brgy. San Vicente, Alaminos City, naaresto ang isang 21-anyos na lalaki, Top 1 City Level Most Wanted Person, dahil sa kasong Statutory Rape, na walang inirekomendang piyansa.

Ikinasa ang operasyon ng Alaminos City Police Station katuwang ang Regional Intelligence Division (RID) PRO1.

Samantala, huli rin ang isang 22-anyos na lalaki sa Bautista na kabilang sa Top 3 Regional Most Wanted Persons dahil sa tatlong bilang ng kaparehong kaso at wala ring inirekomendang piyansa.

Ang dalawang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng kapulisan para sa dokumentasyon at tamang disposisyon bago iharap sa korte. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments