Traffic enforcer na binugbog ng motorista, binigyan ng legal assistance ng MMDA

Tiniyak ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na bibigyan nito ng legal assistance ang isa nilang tauhan na sinuntok ng isang motorista na hinuli nito dahil sa paglabag sa trapiko sa Pasig City.

Ang traffic enforcer na si Muslimin Hapi ay sinuntok-suntok ng motoristang si Jeric Baylen noong Biyernes ng gabi sa Meralco Avenue, Kapitolyo, Pasig City.

Nagalit ang suspek nang parahin siya ng nasabing taffic enforcer at inisyuhan ito ng ordinance violation receipt (OVR) dahil sa reckless driving.


Nagalit ang suspek at bigla na lang nitong sinuntok ang traffic enforcer dahilan para ito magpasaklolo sa pulisya.

Facebook Comments