Saturday, July 18, 2026

Preparasyon para sa SONA, hindi lang sa seguridad nakatutok kundi sa posibleng kalamidad din

Hindi lang sa seguridad nakatuon ang paghahanda sa nalalapit na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa July 27.

Ayon kay House Sergeant at Arms Brig. Gen. Ferdinand Melchor Dela Cruz, kasama sa kanilang pinaghahandaan ang mga posibleng kalamidad tulad ng lindol, sama ng panahon, at iba pang natural na sakuna.

Binanggit ni Dela Cruz na patuloy ang kanilang mahigpit na koordinasyon sa mga law enforcement agency para sa security preparations sa SONA, kung saan magde-deploy din ang Philippine National Police (PNP) ng sapat na tauhan sa paligid ng Batasang Pambansa.

Ayon pa kay Dela Cruz, sa loob naman ng Batasan Complex ay ang Presidential Security Command ang mangunguna sa pagpapatupad ng mahigpit na seguridad.

Sa July 23 ay sisimulang isailalim sa lockdown ang buong Batasan Complex, habang sa July 25 naman ay isasagawa ang huling walkthrough.

Facebook Comments