
Nasabat ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang dalawang hindi lisensyadong baril mula sa isang barangay kagawad sa Brgy. Cabisera 17-21, Ilagan City, Isabela.
Ang nasabing kagawad ay kinilala sa alyas na “Bob,” 56 anyos.
Nakumpiska sa kanya ang isang caliber .45 pistol at isang caliber .357 revolver, mga magazine, at mga bala.
Wala itong License to Own and Possess Firearms (LTOPF), at ang mga baril nito ay hindi nakarehistro sa Firearms and Explosives Office (FEO).
Dahil dito, nahaharap ang nasabing opisyal ng barangay sa kasong paglabag sa Republic Act (RA) No. 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Facebook Comments










