Friday, June 5, 2026

PNP, walang namo-monitor na banta kaugnay ng pagdiriwang ng Independence Day

Walang namo-monitor na anumang banta ang Philippine National Police (PNP) kaugnay ng pagdiriwang ng Independence Day sa June 12.

Ayon kay PNP Acting Chief PIO PCol. Allen Rae Co, nakahanda, at fully deployed ang PNP para matiyak ang kaligtasan at kaayusan sa nasabing pagdiriwang.

Samantala kinumpirma ni Co, na nagkaroon ng pagpupulong si SILG Jonvic Remulla sa Kampo Krame ngunit ito ay para sa SONA , seguridad sa Senado at sa Safer Cities Initiatives.

Giit pa niya, na usual at normal lamang ang pinag-meetingan at wala silang natatanggap na validated intelligence kaugnay ng kaguluhan na magaganap sa labas ng Malacañang.

Nauna nang lumabas ang isang post mula sa isang journalist kung saan magkakaroon umano ng planadong pag-atake sa Palasyo na pangungunahan ng isang religious sector at ito ang pinagpupulungan ngayon sa Kampo Krame.

Kaugnay nito, nagpaalala naman si Co na wag basta-basta maniwala sa mga unvalidated na mga impormasyon.

Facebook Comments