Tuesday, May 12, 2026

Paraguay, naghain ng intensyong sumali sa ASEAN peace treaty

Plano ng Paraguay na lumahok sa Treaty of Amity and Cooperation (TAC), isang kasunduang nagtataguyod ng kapayapaan at kooperasyon sa Southeast Asia.

Sa joint press conference sa Malacañang, sinabi ni Paraguay President Santiago Peña Palacios na nais nilang lumahok sa kasunduan at pormal na nila itong ipinaabot sa Pilipinas bilang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Chair ngayong 2026.

Ayon kay Peña, layunin nitong mapalawak ang pakikipag-ugnayan nito sa mga bansa sa Southeast Asia at makiisa sa pagsusulong ng mapayapang pagresolba ng sigalot, respeto sa soberanya, at multilateral cooperation.

Hindi lamang aniya simbolikong hakbang ang pagsali ng Paraguay sa TAC kundi bahagi ng mas aktibong papel nito sa Indo-Pacific region.

Itinatag ang TAC noong 1976 na may 58 bansang kasapi at bukas din ito sa mga bansang nasa labas ng Southeast Asia.

Facebook Comments