Wednesday, May 13, 2026

Lalaking tumulong sa pag-apula ng sunog sa Brgy. Pasong Putik, Quezon City, dead on arrival ng dalhin sa ospital

Patay matapos ma-suffocate ang 52 years old na lalaking tumulong sa pag-apula ng nasunog na bagay ng kanyang kapatid sa isang residential area sa Maligaya Street Brgy. Pasong Putik, Novaliches, Quezon City kaninang madaling araw, May 13.

Naisugod pa umano ang lalaki sa ospital pero ideniklara rin itong dead on arrival.

Samantala, isang 23 years old na babae naman ang nagtamo ng sugat sa palad na agad namang nalapatan ng paunang lunas.

Nagsimula ang sunog pasado ala-1 ng madaling araw kanina na itinaas agad sa 3rd alarm, at ideniklarang fire out ng 2:52am na lumamon sa 15 bahay at nakaapekto sa 25 pamilya.

Ayon sa Bureau of Fire Protection National Capital Region (BFP-NCR), mabilis umanong kumalat ang sunog dahil magkakadikit ang mga bahay sa nasabing lugar, habang nahirapan naman umanong makapasok ang mga bombero at fire trucks sa nasabing lugar dahil makitid ang daan papasok dito at may mga sasakyan na naka-double parking sa kalsada.

Sa ngayon, patuloy pang iniimbestigahan ng Quezon City Fire District ang sanhi ng sunog.

Facebook Comments