Police Gen. na dawit sa kontrobersyal na drug haul, pinalaya na matapos sumuko sa CIDG

Ipinag-utos ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 44 ang agarang pagpapalaya kay dating Philippine National Police (PNP) Deputy Chief for Operations Lt. Gen. Benjamin Santos Jr.

Si Santos ay iniuugnay sa kontrobersyal na 990-kilo shabu haul sa Maynila noong 2022.

Base sa release order ng Korte na pirmado ni Judge Gwyn Calina, pinalaya ang dating heneral matapos makapag-lagak ng ₱200,000 na piyansa kaugnay ng kaniyang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Una nang dumating sa bansa kaninang mag-aalas singko ng madaling araw si Santos kung saan sinundo ito mismo ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director PBGen. Nicolas Torre III.

Sa ngayon pitong pulis pa na dawit sa kontrobersyal na raid ang patuloy na pinaghahanap ng PNP.

Facebook Comments