POLO OWWA, balik na sa operasyon matapos ang pansamantalang pagsasara

Balik na sa operasyon ang Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Oman.

Ito ay matapos ang sampung araw na pagsasara ng POLO-Oman makaraan ang disinfection sa tanggapan.

Bukod dito, sumailalim din sa sampung araw na mandatory quarantine ang mga staff ng POLO Oman.


Bagama’t bumalik na sa operasyon ang nasabing tanggapan, limitado lamang ang tinatanggap nitong kliyente.

75 kliyente lamang ang tinatanggap ng POLO Oman kada araw at hanggang 15 tao lamang ang maaaring pumasok sa tanggapan ng sabay-sabay.

Facebook Comments