Sa pangunguna ng Municipal Budget Office (MBO) na dinaluhan rin ng Municipal Administrator kasama ang mga department head at kinatawan ng iba’t ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan ang nasabing pagpupulong.
Isa-isang inilahad ng mga tanggapan ang kanilang mga panukalang badyet, kabilang ang mga programang, proyekto, at inisyatibang nakapaloob sa Annual Investment Program (AIP) ng munisipyo.
Sa pamamagitan ng Technical Budget Hearing, layon ng lokal na pamahalaan na matiyak na ang bawat pondong ilalaan ay nakabatay sa aktuwal na pangangailangan ng mamamayan at naaayon sa mga prayoridad ng pamahalaan.
Inaasahan ding magsisilbing gabay ang masusing pagsusuri upang higit pang mapalakas ang paghahatid ng episyente, tapat, at de-kalidad na serbisyong pampubliko para sa patuloy na pag-unlad ng Bayambang. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








