Layunin ng aktibidad na mapataas ang halaga at kakayahang makipagsabayan sa merkado ng asin mula sa Pangasinan sa pamamagitan ng makabago at mas kaakit-akit na disenyo ng packaging.
Bukod sa pagpapaganda ng presentasyon ng produkto, nakatutulong din ang bagong packaging sa pagpapanatili ng kalidad at pagkakakilanlan ng lokal na asin.
Inaasahang sa pamamagitan na ito ay higit pang makilala ang Dasol bilang pangunahing pinagmumulan ng de-kalidad na asin sa bansa.
Ayon sa DTI Pangasinan, bahagi ang inisyatibong ito ng patuloy na pagsisikap na palakasin ang industriya ng asin sa lalawigan sa pamamagitan ng inobasyon, pagpapataas ng halaga ng produkto, at pagbubukas ng mas maraming oportunidad sa kabuhayan.
Isinusulong din nito ang layunin ng Philippine Salt Industry Development Program na mapaunlad ang lokal na produksyon at negosyo ng asin. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








