Friday, August 28, 2026

Pondo ng DepEd, mas dapat ilaan sa mental health at classrooms sa halip na gamitin bilang confidential funds

Iginiit ni House Prosecution Spokesperson and Kabataan Party-list Rep. Renee Louise Co na mas dapat ilaan sa mental health professionals at mga classrooms ang pondo ng Department of Education (DepEd) sa halip na gamiting ito bilang confidential funds.

Tugon ito ni Co sa sinabi ni Senator-Judge Robin Padilla na napigilan sana ang mga shooting incidents sa mga paaralan sa Tacloban at Zamboanga kung nanatiling may confidential funds ang DepEd.

Paliwanag ni Co, sa pagbibigay ng proteksyon sa mga estudyante ay maraming factors ang dapat tugunan may confidential funds man o wala ang education department.

Ilan sa mga tinukoy ni Co ang pagtiyak na walang access ang mga menor de edad sa baril, pangangalaga sa kanilang mental health at iba pang nararanasahang hamon sa pamilya, sa paaralan at komunidad.

Ipinunto ni Co, P112.5 million ang confidential funds ng DepEd sa panahong kalihim nito si Vice President Sara Duterte pero lumalabas na ito ay inabuso at ginamit ng mali kaya ito ay kasama sa mga alegasyong dinidinig sa impeachment trial.

Facebook Comments