Portable beds para sa mga isolation tents, ipinamahagi sa 20 barangay sa Las Piñas City

Personal na tinutukan ni Mayor Mel Aguilar kasama ang mga department heads at ilang kawani ng city government ang paghahanda ng mga folding beds cot style na gagamitin sa mga isolation units para sa 20 barangay ng Las Piñas.

Ayon kay Las Piñas Public Information Office Head Jimmy Castellano, nasa 100 mga folding beds habang 60 pirasong sprayer naman ang naipamahagi na sa mga barangay ng buong lungsod.

Bagama’t kontrolado ang pagkalat ng COVID-19 sa lungsod dahil sa aktibong pagtugon ng pamahalaan mula sa hanay ng pinagsanib na pwersa ng City Health Department at City Disaster Risk Reduction Management Office, umapela ang alkalde sa mga residente ng Las Piñas na manatili sa loob ng bahay at ugaliin ang paghugas ng kamay at paggamit ng alcohol upang maiwasan ang paglaganap ng COVID-19.


Facebook Comments