Friday, November 13, 2026

Posibleng pagtaas ng water level ng Laguna de Bay, ibinabala ng LLDA

Binalaan ng Laguna Lake Development Authority (LLDA) ang publiko sa posibleng pagtaas ng lebel ng tubig sa Laguna de Bay.

Ito’y dahil na rin sa epekto ng Habagat at binabantayang bagyo na Supertyphoon Inday na nasa loob na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayon.

Ayon sa LLDA, umabot kahapon sa 11 meters ang average water level ng lawa.

Bagama’t mas mababa pa ito sa critical level na 12.50 meters, inaasahang unti-unti itong tataas dahil sa mga pag-ulan at pagdaloy ng tubig mula sa mga watershed ng Rizal, Laguna at ilang bahagi ng Metro Manila.

Hinikayat ng ahensya ang mga mangingisda at operator ng fish pens at fish cages na patatagin ang kanilang mga pasilidad laban sa malalakas na hangin at alon.

Pinayuhan rin ng LLDA ang mga lokal na pamahalaan na bantayan ang mga mabababang lugar at tiyaking malinis ang mga drainage system upang maiwasan aa.

Patuloy namang minomonitor ng LLDA, katuwang ang Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) at Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang lebel ng tubig sa lawa at maglalabas ng pinaka-huling advisory.

Facebook Comments