Friday, August 14, 2026

Misleading questions, hindi dapat gamitin sa cross-examination — Usec. Castro

Para kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, mali ang paggamit ng misleading questions sa cross-examination dahil maaari nitong maimpluwensiyahan ang sagot ng testigo.

Ito ang naging pahayag ni Castro matapos ang mainit na sagutan nina Atty. Lorna Kapunan ng prosecution at Atty. Kristine Ferrer ng depensa tungkol sa paraan ng pagtatanong sa testigo.

Inalmahan ni Kapunan ang ilang tanong ni Ferrer dahil aniya, misleading ang mga ito.

Paliwanag ni Castro, hindi dapat ikulong sa “oo” o “hindi” ang testigo kung kailangan nitong ipaliwanag ang kanyang sagot.

Hindi naman hinusgahan ni Castro kung estratehiya ng depensa ang ganitong paraan ng pagtatanong at nirerespeto niya ang istilo ng bawat abogado.

Gayunman, iginiit niyang dapat maging maingat ang mga abogado sa bawat tanong at pahayag sa korte dahil maaaring magdulot ito ng maling interpretasyon.

Kung may maling o malabong pahayag, sinabi ni Castro na dapat itong agad linawin ng mismong abogado.

Facebook Comments