Posibleng pagkakasangkot ng iba pang pulis sa kalakaran ng iligal na droga, sinisilip na ng PNP

Pinakakanta na ni Philippine National Police (PNP) Chief Police Gen. Rodolfo Azurin Jr., ang naarestong drug suspect na si Police Master Sergeant Rodolfo Mayo upang matukoy kung mayroon pang ibang pulis ang dawit sa kalakaran ng iligal na droga.

Kasunod na rin ito ng pagkakasakote kay PMSgt. Mayo na isang aktibong myembro ng Philippine Drug Enforcement Group o PDEG sa ikinasang drug buy bust operation sa Quiapo, Manila noong Linggo.

Dito nakumpiska sa naturang pulis ang higit P13-M halaga ng shabu.


Ayon kay Azurin, umaasa itong makikipagtulungan si Mayo at nangakong walang sisinuhin kung hanggang saan makarating ang kanilang imbestigasyon.

Facebook Comments