MGA GARBAGE COLLECTOR AT BAGONG GURO SA ALAMINOS CITY, PINARANGALAN SA FLAG RAISING CEREMONY

Pinarangalan ng Pamahalaang Lungsod ng Alaminos ang mga natatanging kawani at bagong lisensyadong guro sa isinagawang regular flag raising ceremony nitong Lunes ng umaga.

Kasabay ng programa na pinangunahan ng Public Employment Service Office (PESO), isinagawa rin ang pagkilala sa mga itinanghal na “Best Employee” para sa buwan ng Abril.

Kabilang sa binigyang-pugay ang mga garbage collector ng lungsod bilang pagkilala sa kanilang dedikasyon at mahalagang ambag sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa komunidad.

Kinilala rin sa naturang aktibidad ang mga bagong passer ng Licensure Examination for Professional Teachers (LEPT) mula sa lungsod bilang pagpupugay sa kanilang tagumpay at karangalang naiuwi para sa Alaminos City.

Ayon sa lokal na pamahalaan, layunin ng naturang pagkilala na hikayatin ang higit pang kahusayan, dedikasyon, at malasakit sa serbisyo publiko at iba’t ibang propesyon sa komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments