PRESENSYA NG PULISYA SA MANAOAG, PAIIGTINGIN SA GITNA NG KUMAKALAT NA UMANO’Y KIDNAPPING

Nilinaw ng lokal na pamahalaan ng Manaoag ang kumakalat na mga text messages na umano’y mga insidente ng pangingidnap ng mga bata sa bayan.

Ayon kay Manaoag Police Station Chief of Police, PMaj. Peter Paul Sison, hanggang sa kasalukuyan ay wala pa umanong naitatalang ulat ng anumang kaso ng pandurukot sa bayan.

Dagdag nito na wala umanong konkretong ebidensya na nagpapatunay na may nagaganap na mga kidnapping incidents.

Sa kabila nito, nauna nang tiniyak ni Mayor Rosario ang seguridad ng mga residente sa pamamagitan ng pagpapaigting ng Police presence sa iba’t-ibang bahagi ng bayan.

Pinayuhan naman ang publiko na maging mapanuri at alerto pagdating sa pagbabantay sa mga anak.

Sakaling ,akaranas o makasaksi ng kaugnay na pangyayari, mangyari lamang na agad makipag-ugnayan sa himpilan ng pulisya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments