Saturday, July 11, 2026

Operator ng isang taxi na minamaneho ng isang driver habang nagla-live sa social media, inisyuhan ng SCO ng LTFRB

Pinagpapaliwanag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang operator ng taxi company kung bakit hindi dapat kanselahin o suspendihin ang kanilang Certificate of Public Convenience.

Kasunod ito ng pagmamaneho ng driver ng isang unit ng nasabing taxi habang nagla-live sa social media, na nagpapakita umano ng malinaw na paglabag sa Section 2, Item No. 1 of Memorandum Circular No. 2026-050 na inilabas ng ahensya kamakailan at may multa na ₱5,000.

Giit ni Vigor, ilang beses na umano nilang nilinaw sa mga operator ng PUV na hindi nila palalampasin ang nasabing paglabag dahil posible umano itong magdulot ng kapahamakan sa iba pang motorista at pasahero na gumagamit ng kalsada.

Samantala, hinimok naman ni LTFRB Chairman Vigor Mendoza II ang lahat ng public utility vehicle (PUV) operators na paalalahanan ang kanilang mga driver patungkol sa memorandum para maiwasan ang paglabag dito.

Facebook Comments