Friday, September 4, 2026

Malacanang, tiniyak ang mga hakbang ng pamahalaan para maibsan ang epekto ng paghina ng piso kontra dolyar

Naghahanda na ang administrasyong Marcos ng mga hakbang para maibsan ang epekto ng paghina ng piso sa presyo ng mga bilihin at operasyon ng mga negosyo.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, mahigpit na nakikipag-ugnayan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kaniyang economic team matapos lumampas sa P62 ang palitan ng piso kontra dolyar.

Kabilang aniya sa mga dahilan ng paghina ng piso ang pagtaas ng pandaigdigang presyo ng langis.

Sinabi ni Castro na kabilang sa tinututukan ng pamahalaan ang pagpapanatiling abot-kaya ng pagkain at iba pang pangunahing bilihin.

Patuloy din ang pagpapatupad ng UPLIFT, kabilang ang pagsasaayos ng prayoridad sa paggasta, pagbabawas ng gastusin at paglalaan ng pondo sa mga sektor na apektado.

Facebook Comments