Presyo ng diesel, tataas habang presyo ng gasolina, magro-rollback naman ngayong linggo

135

Muling magkakaroon ng panibagong dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo ngayong linggo.

Ayon sa kompanyang Unioil, tataas ng ₱1.00 hanggang ₱1.20 ang presyo ng kada litro ng diesel.

Habang matatapyasan naman ng ₱1.50 hanggang ₱1.60 ang kada litro ng gasolina.


Batay sa datos ng Department of Energy, naglalaro na ngayon sa mahigit ₱70 hanggang ₱80 ang gasolina sa Quezon City habang mahigit ₱72 hanggang ₱79 naman sa kada litro ng diesel sa Maynila.

Pumalo na rin sa ₱25.55 ang itinaas sa kada litro ng gasolina at ₱29.10 sa kada litro ng kerosene mula nang pumasok ang taon.

Facebook Comments