
Pinabulaanan ni Jail Superintendent Maria Lourdes Pacion, sa pagdinig ng Sandiganbayan 3rd Division ngayong Huwebes ng umaga, November 5, ang alegasyong nakakalabas-masok sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Payatas, Quezon City, si dating House Speaker Martin Romualdez.
Ayon kay Pacion, hindi nakakalabas ng kulungan si Romualdez, sakay man ng ambulansya o kahit anumang uri ng sasakyan.
Ina-accommodate naman ang mga bumibisita kay Romualdez sa loob mismo ng pasilidad dahil sa kawalan ng designated visitor’s area.
Dagdag pa rito, bantay-sarado rin umano ang buong pasilidad ng 531 na gwardiya, kabilang na ang infirmary na may mga saradong steel bars.
Samantala, sinabi naman ng abogado ni Romualdez na nagpadala sila ng sulat sa beteranong broadcaster na si Ramon Tulfo upang itanggi ang nasabing alegasyon at hilingin na tanggalin ang kanyang post sa Facebook.










