
Inanunsyo ng Philippine Statistics Authority o PSA ang patuloy na pagbaba pagdating sa wholesale price ng bigas nitong Pebrero 2025.
Ayon sa PSA, nagkaroon ng tapyas sa presyo ng regular-milled, well-milled pati na ng premium at special rice noong nakaraang buwan.
r
Paliwanag pa ng PSA nasa halos piso ang ibinaba sa bentahan ng regular milled rice na mula sa P42.66 ay bumaba na sa P41.33 nitong Pebrero.
Bumaba rin sa P45.87 ang kada kilo ng well milled rice maging ang special rice ay bumaba na rin sa P49.22 ang wholesale price.
Una nang sinabi ng PSA na bumagal pa sa 4.9 mula 2.3 ang rice inflation noong nakaraang buwan.
Facebook Comments