Saturday, August 8, 2026

Mastermind sa likod ng scripted at imbentong sworn statements ng Maleta Boys, dapat ilantad

Hinamon ni House prosecution adviser at spokesperson Robert Ace Barbers ang apat na bumaligtad na Maleta Boys na pangalanan ang mastermind sa kanilang sinumpaang salaysay na anila’y scripted at imbento lang.

Hiling ito ni Barbers sa apat na Maleta Boys makaraang bawiin nila ang kanilang mga pahayag ukol sa pagdi-deliver ng mga maletang puno ng pera sa ilang matataas na opisyal ng gobyerno, mga mambabatas at iba pang mga personalidad.

Isiniwalat ng apat na maleta boys na hindi raw sila ang gumawa ng kanilang affidavit noon at pinangakuan lang sila ng pera para magturo nang magturo.

Pakiusap ni Barbers sa apat na maleta boys, maging mas matapang pa at maglabas ng mga ebidensya upang ilutang ang katotohanan at malinis ang pangalan ng mga personalidad na idinamay sa hindi totoong alegasyon tulad nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr at dating House Speaker Martin Romualdez.

Giit ni Barbers, dapat mapanagot o makasuhan ang mga nagmanipula sa mga pahayag ng 18 Maleta Boys na nagpakilalang mga dating Marines at bodyguard ni dating Congressman Zaldy Co.

Facebook Comments