Prince Philip, nasa maayos nang kalagayan matapos maaksidente

Nasa ligtas nang kalagayan si Prince Philip matapos siyang maaksidente sa Sandringham Estate.

Nabatid na minamaneho niya ang kaniyang sasakyan palabas sa driveway ng bumangga ito sa isang kotse.

Bumaligtad ang sasakyan ng Duke of Edinburgh kung saan ligtas naman ito nailabas.


Dinala naman ang ibang mga nasugatan habang inaalam pa ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing aksidente.

Facebook Comments