
Nanawagan ng patas na imbestigasyon si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa mga sinasabing ghost at irregular projects sa Taguig City.
Ayon kay Cayetano, handa silang tumugon sa imbestigasyon sa mga proyekto sa Taguig, ito man ay pagsisiyasat ng Office of the Ombudsman, Department of Justice (DOJ), National Bureau of Investigation (NBI) at kung ano pang investigative body.
Idiniin ng senador na karapatan naman nilang mag-imbestiga at ito ang dapat na masunod subalit dapat aniya ay maging patas ang pagsisiyasat.
Gayunman, tinututulan ni Cayetano ang paraan ng pagsasagawa ng sariling pag-iimbestiga ni Lacson sa mga proyekto ng naturang lungsod.
Tinukoy ni Cayetano ang pangpe-pressure ni Lacson sa mga contractors na pinalalagda sa mga affidavits dahil kung hindi ay kakasuhan sila na isang pamumwersa at hindi maituturing na fact-finding.
Kumpyansa naman si Cayetano na “walang forever” sa mataas na pagturing ni Lacson sa sarili kumpara sa batas.










