
Ipinasok ng Sandiganbayan 7th Division ang “not guilty plea” para sa kasong graft na kinakaharap ni dating Bauan, Batangas Mayor Ryanh Dolor.
Ito ay matapos tumanggi ni Dolor na magpasok ng plea, ngayong Martes ng umaga, Oct. 6.
Matatandaang nag-ugat ang nasabing kaso sa umano’y maanomalyang privitization ng Bauan Waterwork System na umano’y “disadvantageous” sa pamahalaan.
Matatandanag 95% ng revenue nito ay napunta umano sa private water utility provider na Aquadata Water Services, habang 5% lang ang sinasabing napunta sa LGU.
Facebook Comments










