Tuesday, November 10, 2026

Mary Jane Veloso, hinikayat ang mga nagbabalak mag-OFW na dumaan sa tamang proseso upang hindi matulad sa nangyari sa kaniya

Umaasa si Mary Jane Veloso na wala ng pilipino ang matutulad sa kaniyang sinapit ng magtungo sa ibang bansa.

Sa press conference sa Department of Justice (DOJ), sinabi ni Mary Jane na magsilbi sanang babala sa iba ang kaniyang karanasan lalo na sa mga nagbabalak magtrabaho sa ibang bansa.

Hinihikayat niya ang mga nais magign overseas filipino workers (OFWs) na maiging dumaan sa legal na proseso at huwag maniwala sa mga nag-aalok ng madaliang pag-alis para makapagtrabaho.

Kaugnay nito, muling nagpapasalamat si Mary Jane sa kaniyang pamilya, abogado, at human rights groups na sumuporta at tumulong sa kaniya.

Higit rin nagpapasalamat si Mary Jane kay Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa pagbigay kaniya ng absolute pardon para makalaya at makapiling ang pamilya.

Sinabi naman ni Sec. Vida na napagdesisyunan na palayain si Mary Jane base sa ilalim ng batas ng Pilipinas matapso siyang ilipat sa bansa mula Indonesia.

Facebook Comments