
Tiniyak ng National Unity Party o NUP na hindi nito ikukudeta ang liderato ni House Speaker Faustino Bodjie Dy III.
Sinabi ito ni House Deputy Speaker at Antipolo Rep. Ronaldo Puno na siya ring chairman ng NUP kasabay ng paglalahad ng kanilang mga isyu ukol sa pambansang pondo.
Diin ni Puno, tapat sila sa liderato ng Kamara kaya huwag maging rebelde agad ang tingin sa kanila at parusahan kung naglalabas sila ng pagkabahala o saloobin.
Paliwanag ni Puno, bilang mga maginoo at sibilisadong tao ay maaring magkasalungat ang kanilang mga pananaw ng hindi hahantong sa hindi magandang sitwasyon.
Mensahe ito ni Puno kaakibat ng inihayag ng NUP na atrasadong paglalabas ng pondo para sa mga proyektong imprastraktura, social programs pati sa Local Government Support Funds.
Nais din ng NUP na tuldukan ang sistema ng “For Later Release” sa mga proyekto.










