
Itinanggi ni Senator Robinhood Padilla na tumanggap siya ng pera mula sa China sa ilalim ng Tapang at Malasakit Foundation.
Naunang ibinunyag ni dating Senator Antonio Trillanes IV na tumanggap ng P150 million na donasyon mula sa Chinese Embassy sa Pilipinas ang Tapang at Malasakit Foundation kung saan isa sa mga board of trustees member si Vice President Sara Duterte.
Sa impeachment trial, aminado ang senador na kabilang siya sa Tapang at Malasakit Foundation.
Gayunman, iginiit niyang wala siyang natanggap na pera kahit singko mula sa mga Chinese.
Hiniling pa ni Padilla na huwag naman sanang idamay silang lahat dahil ang Tapang at Malasakit ay binanggit lang naman ni dating Sen. Trillanes at hindi naman ng impeachment court.
Facebook Comments










