Tuesday, September 1, 2026

37 ng miyembro ng House Committee on Appropriations, pabor sa pag-i-extendend ng parliamentary courtesy para sa panukalang pondo ng Office of the President

Pabor ang 37 na miyembro ng House Committee on Appropriations sa mosyon nina Minority Leader Representative Marcelino Lebanan at Senior Deputy Speaker Representative Feedinand Hernandez na i-extend ang parliamentary courtesy para sa P10.15 billion na panukalang pondo ng Office of the President sa susunod na taon (2027).

Ibig sabihin, hindi na ipagpapatuloy o wala nang magtatanong tungkol sa panukalang pondo na nakasalang sa pagdinig ng Hous Committtee on Approriations ngayong Martes, September 1.

Gayunpaman, tinutulan ito ng limang miyembro ng komite, kabilang na si Representative Antonio Tinio, Representative Renee Co, at iba pa.

Ayon kay Tinio, transparency ang pinaka-importante sa pagdinig ng pondo ng bawat opisina, kaya’t kailangang ipakita ng kongresso ang pagiging patas, gaya na lang ng pagkukwestyon sa pondo ng Office of the Vice President.

Dagdag pa ni Tinio, importante rin na marinig ang direktang paliwanag ng Office of the President kaugnay ng umao’y pagkakasangkot ng presidente at kaniyang mga gabinete sa maanomalyang flood control project at kung bakit halos kalahati ng pondo ng Office of the President ay confidential at intelligence funds.

Facebook Comments