Problema sa trabaho, sahod, presyo ng bilihin, prayoridad na matugunan ni DOLE Sec. Laguesma

62

Tatlong pangunahing isyu sa sektor ng paggawa ang tututukan ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ng kalihim na kabilang sa mga prayoridad niya sa ahensya ay matugunan ang mga problema sa trabaho, sahod at benepisyo ng mga empleyado.

Dagdag din sa pagtugon sa problema ng mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin na aniya’y direkta ring nakaaapekto sa mga manggagawang pinoy.


Kaugnay nito, sinabi ng kalihim na bago pa pormal na manungkulan sa DOLE ay nakipag-ugnayan na siya sa iba’t ibang labor at employment groups.

Facebook Comments