
Inihayag ng Commission on Elections (COMELEC) na mananatiling manual ang gagawing Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2026 dahil walang bagong batas na pinagtibay para baguhin ang election process o timetable.
Ayon kay COMELEC Spokesman Atty. John Rex Laudiangco, sa kasalukuyan wala pa silang natatanggap na anumang batas para pagpaliban ang elections o pagbabago ng mga kasalukuyang pamamaraan.
Dagdag pa ni Laudiangco, tuloy-tuloy ang preparasyon ng COMELEC para sa synchronized BSKE.
Aniya, ang election period ay tatakbo sa October 3 hanggang November 9, 2029, habang ang filing of candidacy (COC) ay naka-schedule sa September 28 hanggang October 5.
Ang campaign period naman ay mula October 22 hangang November 1 at November 2, 2026 ang Election Day.
Nagpaalala ang COMELEC sa mga balak kumandidato na ang maagang pangangampanya ay pinagbabawal sa BSKE.
Binalaan ni Laudiangco na sinumang mangampanya bago ang ibinigay ng official campaign period sa BSKE ay mahaharap sa election offense charges.










