PRRD, naturukan na ng booster shot

294

Kinumpirma ng Palasyo ng Malacañang na nabigyan na ng booster shot si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, base ito sa sinabi kagabi ng pangulo sa kaniyang ‘Talk to the People’.

Sinopharm din aniya ang booster dose ng pangulo.


Matatandaang July 12 nang matanggap ng pangulo ang kaniyang 2nd dose o eksaktong 70 araw matapos na maiturok ang unang dose ng Sinopharm noong May 3.

Facebook Comments