Public assistance operations, pinatitiyak ng NTC sa lahat ng kanilang regional directors ngayong Semana Santa

23

Inatasan ni National Telecommunications Communications (NTC) Commissioner Gamaliel Cordoba ang lahat ng regional directors ng ahensya para sa Holy Week 2022 public assistance operations.

Sa memorandum na inilabas ngayong Lunes, April 11, nakasaad na bilang serbisyo publiko kaugnay ng paggunita ng Kuwaresma, inatasan ang lahat ng regional directors na makipag-ugnayan sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), Local Disaster Risk Reduction and Management Councils (LDRRMCS), Civic Action Groups (CAGs) at Amateur Radio Groups (ARGs)  na nagbibigay ng Holy Week 2022 public assistance operations sa kani-kanilang nasasakupang lugar at tulungan din ang LGUs at NDRRMC.

Dapat ding tukuyin ng mga regional director ang anumang assistance na maibibigay ng NTC, gaya ng pag-iisyu ng temporary permits at licenses na kailangan upang matiyak ang kaligtasan ng mga biyahero sa iba’t ibang bahagi ng bansa.


Facebook Comments