PULISYA AT IBA’T IBANG AHENSYA, NAKIISA SA NUTRI WALK FOR RESILIENCE SA BURGOS

Nakiisa ang Burgos Police Station sa isinagawang Nutri Walk for Resilience bilang bahagi ng pagdiriwang ng Nutrition Month, kasabay ng iba pang ahensya ng pamahalaan at mga miyembro ng komunidad.

Dinaluhan ng hanay ng pulisya, mga kinatawan ng Lokal na Pamahalaan, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine Army, Philippine Coast Guard, mga opisyal ng barangay, at mga residente mula sa iba’t ibang bahagi ng bayan ang nasabing aktibidad.

Layunin ng Nutri Walk for Resilience na palakasin ang kamalayan ng publiko sa kahalagahan ng wastong nutrisyon, pangangalaga sa kalusugan, at paghahanda sa anumang sakuna, habang pinatitibay ang ugnayan at pagtutulungan ng mga ahensya ng pamahalaan at ng komunidad.

Bukod sa pakikilahok sa programa, nagtalaga rin ang Burgos Police Station ng police presence at mahigpit na seguridad sa buong aktibidad upang matiyak ang kaligtasan ng mga kalahok, mapanatili ang kaayusan, at matiyak ang maayos at mapayapang pagdaraos ng naturang programa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments