Dalawang hinihinalang high-value drug personalities ang naaresto ng Pangasinan Police Provincial Office (PangPPO) sa isang intelligence-driven buy-bust operation sa Villasis, Pangasinan noong Hulyo 1.
Ayon sa PangPPO, kabilang ang dalawang naaresto sa mga Regional Priority Target o High-Value Individuals na pinaghihinalaang sangkot sa ilegal na kalakalan ng droga sa lalawigan.
Nasamsam sa operasyon ang humigit-kumulang 60 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang Standard Drug Price na P408,000. Narekober din ang buy-bust money at iba pang ebidensiyang pinaniniwalaang ginamit sa ilegal na transaksiyon.
Kasalukuyan silang nasa kustodiya ng pulisya habang inihahanda ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣











